Sunday, March 27, 2011

Change of mind. Change of plans. haay..

Date: March 28, 2010
Time: 4:29AM

Haay.. naiinis at nahihiya ako sa sarili ko.. binrodcast ko pa yung mga plans ko last week. pero hindi rin natuloy.. haay.. hindi ko alam.. pero pakiramdam ko tama yung ginawa ko.. anyway, hindi ko na tinuloy yung pag reresign ko sa call center (muna) due to some reasons.. naisip ko.. papano kung wala naman akong career as a nurse sa pampanga pala? edi tutunganga nanaman ako dito sa bahay tapos magaapply nanaman ako sa ibang call center pag nagkataon.. 

Lahat ng yan, naisip ko lang nung nasa jeep ako nung friday morning nung pauwi ako from work.. hindi ko man tinuloy yung pag reresign ko, feeling ko tama yung ginawa ko.. kasi yung decision ko na pag reresign napaka bilis ko lang ginawa.. nung nasa MRT ako from ayala to shaw boulevard station.. dun ko naisip magresign.. buo yung loob ko hanggang friday last week na wala na.. hindi na ako tutuloy sa pag reresign..

I have weighed the pros and cons of the said action kapag natuloy.. at mas marami yung dapat hindi muna ssa ngayon.. I know in the future magreresign din ako dyan.. naiba nanaman ang balak ko, kung dati, talagang call center lang ako nakatutok iba na ngayon.. (sana lord tulungan mo ako :)) ) ayoko ng sabihin dito.. gagawin ko nalang.. masyado na ako nagiging masalita.. kulang naman sa actions.. Ill start my day right tomorrow! :) 

Ill spent my very first leave.. para magtraining ng redcross. yan ang una kong goal pag nag regular na ako this april. Yan din naisip ko kaya hindi ako natuloy mag resign.. mareregular na ako sa work this april.. sayang naman.. there are some people na nagsasabi.. seryosohin mo na yang pag cacall center.. dyan ka na.. meron din namang nagsasabi na, you cant forever be a call center agent.. tama naman.. I cant forever be like this.. wala sa plano ko na forever na maging ganito.. 

Kaya naman Lord, ang pray ko.. sana bigyan mo ako ng lakas, ng control, ng willingness para maisagawa ko na lahat ng mga plano ko starting tom! :) secret ko muna yun.. gagawin ko nalang. haaay. sarap talaga ng may nailalabasan ka ng feelings mo. thanks sa notes at sa blogs! :)) till next time! :)

Monday, March 21, 2011

4 days to go.. and I'm done. :)

Date: March 22, 2011
Time: 8:04 AM
Place:  Bahay lang ulit


Hello there guys! This is it! eto na.. 4 days to go.. and I'm done. I know your like wondering what am I talking about.. Its about my dream to become a nurse! :) yun nanaman! hehe. If you were able to read my previous blog about sacrificing my work to be able to be a nurse. eto na yun. this coming friday, magreresign na ako sa call center.. para ipagpatuloy ang aking naudlot na pangarap maging nurse. haha! :) how do you like that?nyahaha!


The reason why I worked as a call center agent is because of the money na pwede kong kitain.. Madami akong gustong bilhin.. and I am very blessed dahil nabili ko na lahat ng gusto kong gawin.. Laptop, Cellphone, Digital Camera, lahat ng yan meron na ako and I am just so proud kasi nakabili ako nyan dahil sa sarili kong pagod sa work sa call center. Pero darating at darating din ang panahon na its not about the money anymore. Its about you, your dream and what your heart is really looking for. at alam ko ang pagnunurse ang talagang gusto ko.


Napaka swerte ko dahil napunta ako sa account na madali lang, naging number 1 pa nga ako dati eh! :) ganun siya kadali. tapos malaki pa yung sahod, swerte di ba. pero ganun talaga. like what I have said, its not about the money anymore, kahit mahirap lalo na sa buhay ngayon na isacrifice ang pera out of something na hindi pa sigurado kung talagang makakapasok ako.. pero ganun talaga. I need to sacrifice para masubukan naman ang kapalaran ko sa pag nunurse! :) 


Sabi nga ni Napoleon Hill,Great achievement is usually born of great sacrifice, and is never the result of selfishness.oh, di ba.. If I want to achieve something bigger, I have to sacrifice something.. and not be selfish.. kung lagi nalang pera ang iisipin ko, walang mangyayari sa dream ko, although, baka sabihin nung iba, pera, kailangan natin yan ngayon.. oo, we all need money pero iba pa rin yung money na talagang galing sa trabaho at gawain na gusto mong gawin.


Honestly, nung college, after ko mag college, sabi ko sa mga classmates ko, pangarap ko maging call center, haha! pero mahirap din pala. nakaka stress ang mga amerikano! haha! kaya ayun. Sana etong sacrifice ko.. ay magbunga ng something better para sa akin.. alam ko hindi ako papabayaan ni Lord. :)


Thanks for reading. i have to sleep na. may pasok pa mamayang gabi. Ang kailangan ko lang gawin ay icherish ang natitirang araw ko pa sa call center. :) hehe. 4 days to go! thanks!

Wednesday, March 16, 2011

Worst day of my life as a call center agent. haha :O

Date: March 17, 2011
Time: 7:31 AM
Place: Bahay lang ulit

Hello! :) Goodmorning! though it is not really a very good morning for me..haha. I am here again because I want to share with you guys the worst day of my life so far as a call center agent. haha :) although medyo mababaw sa to some people na maaring makabasa neto, okay lang, i just wanted to share and let my feelings be vented out.

Anyway, my bad day started nung nasa jeep ako papuntang MRT taft station. I usually go to work at around 6:30 PM para hindi ako masyado matraffic kasi usually yung pauwi na yung traffic not the way to pasay, pero nung araw na yun, which is kahapon.. SUPER DUPER TRAFFIC! :O like hindi na talaga gumagalaw na sa sobrang traffic eh pinatay nalang ni manong driver yung makina niya. Kahit nakabayad na ako na hanggang pasay, bumaba ako sa may bandang tenement palang, parang kakasakay ko palang tapos bumaba na ako kaagad kasi I have to walk kundi malelate talaga ako. That time, mga 7:10PM na yun.. so okay lang kasi I thought pag dating ko sa may bandang C5, wala ng traffic.

When I get off the jeepney to walk, bigla namang umandar na. haha bwisit. tapos nung nandun na ako sa may c5, pagsakay ko ng jeep, tumigil nanaman. haha. tapos ayun, may ginagawa palang daan yung mga MMDA in which sa pagkakalam ko wala namang sira yung daan. Kung ano yung may sira, hindi ginagawa, kung ano yung walang sira, ginagawa. mga baliw. haha.

Ayun, pumetiks nalang ako on my way to work because I know, kahit anong gawin kong pagmamadali, late pa rin ako. Ayun, na late nga ako ng 30 minutes. When I arrived at the office, my team-mates, were calling na.. and they have like 3 promises to pay already. So, very frustrated ako that time kasi dapat makahabol ako. Unfortunately, yung dialer, bigla namang nagka problema! kung anu anong calls yung pumapasok sa amin, kaya kahit pang customer service na calls usually mga reklamo, ayun, napupunta na din sa amin. another bwisit! :)

But wait, theres more, after kong matraffic, ma-late, at malasin sa mga calls na pumapasok sa avaya ko, at around 4AM, pinatawag naman ako sa QA BOOTH to have my coaching session! YEHEY! :) what a day! :) palpak nanamn yung calls ko, may sabit nanaman. kaya may QA ako. bwiseeet! :)

Nung mga panahon na yan, I really wanted to resign na! :) haha. I was thinking na everyday kaya ganito na ang mararanasan ko??! haha! :) I was not born to be a call center agent. Yan ang nasa isip ko. hahah!:) baliw na ako.

Buti nalang naagapan ko yung pagkabaliw ko, I said to myself, not everyday is christmas day, sabi nga nila, may araw na darating na mararanasan mo yung panget na araw kung saan lahat ng kamalasan sa buhay, mararanasan mo, at sa sobrang malas ko, feeling ko, lahat ng yun naranasan ko today! :) haha..

Although panget yung kwento ko, at least, may lesson pa rin. kaya mo yun? haha! :)

Lalo kong narealize, na hindi talaga para sa akin ang trabahong ito, ang pagiging call center agent, ay hindi para sa akin, mabuti nalang wala pa akong obligation sa buhay na kailangan kong paglaanan ng sweldo ko, kaya kahit mag resign ako, okay lang, which I will not do pa naman. Okay pa naman ako sa sykes ngayon, kung sakaling aalis ako ng sykes, hindi na ako magcacall center ulit. mag nunurse na ako. oha oha. haha :)

Dami ko ng nasabi at nakwento, gusto ko lang naman ishare sa inyo yung bad day ko. malay mo ngayon, araw mo na. haha:) Thanks for reading! :)

Followers

Powered By Blogger