Sunday, April 17, 2011

I.V. in! :) (4th day bilang NARS)

hello again! :) namiss kong ishare ang 3rd day ko! haha! :) siguro kasi wala namang masyadong special na nangyari sa duty ko nun! hehe:) ngayon meron, nakapag insert na ako ng IV cannula! yehey! :) isang shot lang, IN na agad! I am just soooo happy! haha! buti sa hospital na yun hands on talaga.. kaya wala akong bantay sa likod ko.. walang audience. haha! 

Pagpunta ko dun, niloloko ko pa yung client, sabi ko.. "lumiliko yung ugat mo no tatay, susubukan kong tusukan noh, kapag ayaw try ko nalang ulit sa kabilang kamay naman. kasi gumagalaw siya eh, mahirap tusukan" haha! pero ang totoo first time kaya baka hindi ko mashoot. haha! :)

Bukod sa pag insert ko ng IV cannula, ehh.. ang isa pang kakaibang nangyari sa duty ko ngayon.. ay biglang natanggal yung CHARGE NURSE namen. you wanna know why? papalitan siya ng hospital ng nurse na may kakilala sa hospital, meaning yun may backer. IMAGINE THAT?! pati pala charge nurse na napaka tagal na dun, pwedeng palitan basta may backer ka.. grabe na talaga ang labanan ngayon.. 

Yun lang naman iseshare ko.. masaya ako ngayon kasi medyo nakakaadjust na ako sa bago kong trabaho.. medyo at ease na din ako sa mga katrabaho ko kahit nung unang araw eh nagkaron ako ng problema with them which is I think very normal lang kahit saan.

Hopefully madami pa akong matutunan na pwede kong baunin pag sabak ko naman sa maynila. (probinsyano? hahah!)

thanks for reading! :))

No comments:

Post a Comment

Followers