Thursday, February 17, 2011

a very special way of celebrating my birthday..

Date: Feb 18 2011
Time: 1:45 pm
Place: my house


Whew! what a week that was. Last week was a blast for our family. Since Friday, feb 11.. when we lost our Kuya Ela.. :( I knew about it when I went home from work last saturday feb 12. Although, being a nurse.. Kahit papaano.. may idea (which I don't want to entertain) ako na doon din mapupunta.. Mahirap parin matanggap. Lalo na yung tao na yun ay napaka lapit sayo.


Ayun, nung saturday evening.. pumunta din ako sa pampanga to attend the wake and see kuya ela. Napaka strange nung feeling na makita siya doon sa loob ng casket. Ngayon lang ako naniwala na kapag nakikita yung mga tao sa loob ng casket.. ay parang natutulog lang.. siya talaga, si kuya ela.. kahit alam mong wala na siya.. may make up na ganun.. may damit na ganun.. pero para talaga siya natutulog lang.. parang nararamdaman ko pa rin na buhay siya.. natutulog lang siya..


Alam ko lahat kami, we need time to adjust.. na kahit kailan, hindi na namin siya makikita. hindi na namin siya makikita sa pampanga.. tuwing christmas, hindi na namin siya makikita. wala na kaming pupuntahan dun sa bahay nila.. wala na akong makikita request sa poker sa fb.. haayy. lahat yun matututunan din naming matanggap, in time. 


dumating na ang feb 17, hindi ako nagsisi na kahit birthday ko, ay ganun ang naging senaryo. in fact, napaka saya ko kasi birthday ko nakasama ko si kuya ela sa puso ko.. sa puso naming lahat for the very last time. nung araw na yun yung huli namin siya nakita bago siya icremate.. Alam ko nung araw na yun, kahit lahat kami nagiiyakan, masaya niya kaming tinitignan kasi alam niya magiging okay kami lahat.


after namin siya ihatid sa bamban, umuwi na kami sa timog park, ayun nanlibre si tita may at uncle tony ng pizza.. kaya masaya pa rin ang birthday ko.. kasi kasama ko ang pamilya ko..


Ganun ko sinelebrate ang birthday ko.. with kuya ela.. kuya ela.. mamimiss ka namin lahat!

No comments:

Post a Comment

Followers