Date: April 15, 2011
Time: 6:00 PM
Hello! :) andito nanaman ako para ishare ang aking new experiences bilang isang NARS. hindi lamang ito tungkol sa mga bago kong experiences sa pagiging nars, kundi pati ang naging experience ko sa aking mga katrabaho.. Medyo nadissapoint kasi ako, pero mamaya ko na ikekwento yung experience na yun, medyo mababaw lang naman yun pero HELLO! :) basta mamaya. hehe
Share ko muna ang naging experience ko bilang isang MEDICATION NURSE! :) oha oha! kahit public hospital lang yun, veryyy U.S. ang setting ng hospital na yun! :) hindi lahat ng bagay, sa nurse inaasa.. andyan ang tulong na Nursing attendant. Very helpful sila, sila yung nag vivital signs, nagpapalit ng IV FLUID, nag paprocess ng mga Laboratory.. na sa manila noong estudyante pa ako, ehh nurse ang gumagawa. cool! :)
Ayun nga, isa akong medication nurse sa WARD 3. Tatlong ward kasi ang hawak ng station namin, bawat station, isang nurse. oh di ba! 20 patients! huwaw! yan ang una kong kinagulat.. hehe. noon kasing student pa lang ako, the most number ng patients na nahawakan ko eh 2 lang. hehe. ngayon 20! wow! :) ako yung tagabigay ng gamot bila, mapa P.O., I.V, etc. lahaaaat. ang mahirap lang naman sa part na yun, ay yung sabay sabay yung gamot nila. Nagbaback-dive talaga ako doon sa ward kapag ganun.
May mga patients na mababait, cooperative, meron din namang matanoooonnnggg! kabwisit.. "Nurse, para saan tong gamot na to, masakit ba yan??" nakoo.. yung iba hindi ko talaga alam yung sagot, ay nako! wapakels! Honest talaga ako sa kanila. "Hindi po kasi ako sure eh" haha! yan ang line ko. Wala naman akong bayad sa hospital na to para maginarte pa kayo! haha.
Ang goal ko bukas sa duty ko ay makapag insert ng IV cannula! haha! :) kasi takot pa ako eh. pero hindi ako aalis ng hospital na yun na hindi ko na coconquer yung fear ko sa pag insert ng IV cannula.. yung simpleng dumugo nga lang yung IV at hindi na tumutulo, hindi ko na alam gagawin ko.. haha! dahil ba ito sa call center? (sinisi?) haha! kaya ayun ang goal ko bukas.. ang matuto kung papano mag insert ng IV, lahat tungkol sa IV! dapat dumating yung time na kapag may ipapainsert na IV, yung super volunteer ako at sasabihin, "sige po ako na" ay pangarap ko yan! haha!
Ayun, wala naman akong masyadong work doon, bukod sa pagbibigay ng gamot. at pakikisalamuha sa mga patients at staff doon. speaking of staff, kwento ko na sa inyo yung walang kwentang bagay na ikinasama ng loob ko...
Meron kasing nawala na TAKIP ng COTTON BALLS doon (imagine?!) pero kahit ganun lang yun, property parin yun ng hospital, kaya kapag nawala yun, mahirap na. yung NURSING ATTENDANT doon, nung pumasok ako, sinabihan ba naman ako na, "SIR! NAKITA KO KANINA GAMIT MO YUNG COTTON BALLS NAWAWALA YUNG TAKIP" Infront of everybody, meaning lahat ng staff nurses, volunteers, etc. aba aba aba! naginit ulo ko, although hindi ko pinahalata. Sinabi ko nalang na yung ginamit ko po, binalik ko na. (bilihan ko pa sila ng 10 containers eh! shit!)
ang kinasama lang naman ng loob ko doon, purkit ba bago ako? ganoon yung mangyayari, pagbibintangan ako na ako yung kumuha.. ayun, eventually, nakita na nila.. at hindi man lang nagsorry sa akin sa ginawa niyang pagbibintang. although maliit na bagay yun, malaking kaso yun sa akin kasi hindi ko naman gagawin yun, especially takip lang?!!?!?
ayun lang naman, di ba mababaw lang naman. hehe. bukas haharapin ko nanaman sila, sana okay ang maging duty ko bukas. Natatakot ako. Imbis na maexcite ako. natatakot ako. I dont know why. Parang agony yung dating. pero excited pa rin naman ako ng konti. Bahala na si Lord sa akin. hehe.
Isa pa sa napansin ko, konti lang yung talgang Staff nurse doon, naparaming Volunteers. Mautak din ang mga hospitals noh?! bakit nga naman sila maghihire ng staff nurses na paseswelduhin pa nila.. eh madami namang tambay na nurses dyan ng naghahanap ng mapapsukan kahit walang bayad. OMG. Ang utak nila.
Thanks for reading! :)
No comments:
Post a Comment