Date: March 17, 2011
Time: 7:31 AM
Place: Bahay lang ulit
Hello! :) Goodmorning! though it is not really a very good morning for me..haha. I am here again because I want to share with you guys the worst day of my life so far as a call center agent. haha :) although medyo mababaw sa to some people na maaring makabasa neto, okay lang, i just wanted to share and let my feelings be vented out.
Anyway, my bad day started nung nasa jeep ako papuntang MRT taft station. I usually go to work at around 6:30 PM para hindi ako masyado matraffic kasi usually yung pauwi na yung traffic not the way to pasay, pero nung araw na yun, which is kahapon.. SUPER DUPER TRAFFIC! :O like hindi na talaga gumagalaw na sa sobrang traffic eh pinatay nalang ni manong driver yung makina niya. Kahit nakabayad na ako na hanggang pasay, bumaba ako sa may bandang tenement palang, parang kakasakay ko palang tapos bumaba na ako kaagad kasi I have to walk kundi malelate talaga ako. That time, mga 7:10PM na yun.. so okay lang kasi I thought pag dating ko sa may bandang C5, wala ng traffic.
When I get off the jeepney to walk, bigla namang umandar na. haha bwisit. tapos nung nandun na ako sa may c5, pagsakay ko ng jeep, tumigil nanaman. haha. tapos ayun, may ginagawa palang daan yung mga MMDA in which sa pagkakalam ko wala namang sira yung daan. Kung ano yung may sira, hindi ginagawa, kung ano yung walang sira, ginagawa. mga baliw. haha.
Ayun, pumetiks nalang ako on my way to work because I know, kahit anong gawin kong pagmamadali, late pa rin ako. Ayun, na late nga ako ng 30 minutes. When I arrived at the office, my team-mates, were calling na.. and they have like 3 promises to pay already. So, very frustrated ako that time kasi dapat makahabol ako. Unfortunately, yung dialer, bigla namang nagka problema! kung anu anong calls yung pumapasok sa amin, kaya kahit pang customer service na calls usually mga reklamo, ayun, napupunta na din sa amin. another bwisit! :)
But wait, theres more, after kong matraffic, ma-late, at malasin sa mga calls na pumapasok sa avaya ko, at around 4AM, pinatawag naman ako sa QA BOOTH to have my coaching session! YEHEY! :) what a day! :) palpak nanamn yung calls ko, may sabit nanaman. kaya may QA ako. bwiseeet! :)
Nung mga panahon na yan, I really wanted to resign na! :) haha. I was thinking na everyday kaya ganito na ang mararanasan ko??! haha! :) I was not born to be a call center agent. Yan ang nasa isip ko. hahah!:) baliw na ako.
Buti nalang naagapan ko yung pagkabaliw ko, I said to myself, not everyday is christmas day, sabi nga nila, may araw na darating na mararanasan mo yung panget na araw kung saan lahat ng kamalasan sa buhay, mararanasan mo, at sa sobrang malas ko, feeling ko, lahat ng yun naranasan ko today! :) haha..
Although panget yung kwento ko, at least, may lesson pa rin. kaya mo yun? haha! :)
Lalo kong narealize, na hindi talaga para sa akin ang trabahong ito, ang pagiging call center agent, ay hindi para sa akin, mabuti nalang wala pa akong obligation sa buhay na kailangan kong paglaanan ng sweldo ko, kaya kahit mag resign ako, okay lang, which I will not do pa naman. Okay pa naman ako sa sykes ngayon, kung sakaling aalis ako ng sykes, hindi na ako magcacall center ulit. mag nunurse na ako. oha oha. haha :)
Dami ko ng nasabi at nakwento, gusto ko lang naman ishare sa inyo yung bad day ko. malay mo ngayon, araw mo na. haha:) Thanks for reading! :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThanks man.
ReplyDelete