Monday, April 11, 2011

Biglaang naging NARS. Soo Nervous..

Date: April 11, 2011
Time: 9:59 PM
Place: Timog Park, Angeles City :)

Yes. you read it right. Biglaan akong naging nurse. Biglaan in a sense na parang napakabilis ng pangyayari. I never thought na makakapasok ako ng ganung kabilis sa isang ospital dito sa Pampanga. Although province na to, still congested pa rin ang lugar na to to accommodate all the tambay nurses in the Philippines. Napatunayan ko kung papaanong napaka effective na meron kang "backer" para maging tulay sa pagpasok mo sa isang ospital. 

Wala lang, we just went there (sa ospital) kasi may kukunin yung tita ko (who is my backer hehe) doon for her client sa rotary. Tapos we decided to go to the Chief nurse's office.. tapos ayun kwentuhan sila.. tapos I was introduced tot he chief nurse. ayun. konting chikahan sila (na may kasamang pang uuto haha) tapos ayun bigla akong pinag exam!!! Noong una, parang bigla akong tumambling at mageexam ako right there and then.. sobrang hindi ako nagreview that time kasi nga unexpected yung mga pangyayari, so hindi talaga ako nakapag prepare.

Awa naman ng diyos, pumasa naman ako sa exams! :)) Thank you Lord talaga. Super kaba pa ako kasi nung chinecheck yung exams, kaharap ko yung chief nurse at yung backer ko! kaya kapag bumagsak ako, sobrang nakakahiya. (mataas kasi expectations ng tita ko saken, actually sa aming lahat na pamangkin niya) anyway, ayun na nga, buti nalang pumasa. tapos.. bigla niyang sinabi na magreport daw ako bukas! isang cartwheel nanaman yung ginawa ko. haha. Lahat ng schedule ko na dapat uuwi ako ng Manila by wednesday, ay biglang naglaho lahat. Kasi sayang naman kung hindi ko pa igagrab yung opportunity baka mawala pa. di ba? :)

Ayun, ngayon, Super kaba ako.. I really do not know what to expect. Call center pa lang ang nagiging trabaho ko. Hindi ko alam kung papaano ang buhay ng isang tunay na NARS. although when I was still in college, I was able to experience some nursing stuffs pero ngayon.. IBA NA! on my own na ang drama ko ngayon. hehe:) Hindi ko pa alam kung ano ba ang magiging work ko dun, kung utusan ba, haha! vital signs nurse ba. haha. At kung sino ang mga makakasama ko. Natatakot ako baka away awayin ako ng mga staff nurse doon.. Haay Lord, sana wag naman.

Lord, ang prayer ko lang po ngayon ay guide niyo po ako sa magiging work ko po bukas bilang isang nurse. Sana po wala po akong magawang mali kasi po buhay ng patients po ang at stake (although hindi naman maiiwasan ang small mistakes hehe) at maraming maraming salamat po sa blessings na to :) Sana po magtuloy tuloy na ang lahat. Alam ko po kakayanin ko po ito. Thank you po ulit! :) AMEN.

Thanks for reading guys! tulog na ako. :) pag pray niyo ko. pag pray ko din kayo. thank you. hehe! :)

No comments:

Post a Comment

Followers

Powered By Blogger