Date: April 12, 2011
Time: 5:16 PM
Place: Timog Park, Angeles City
Helloooo! :) I just got home from my duty in Ospital Ng Angeles. This is my first day of duty yehey! :)) I woke up at about 5:29 AM :) Nauna ako ng 1 minute sa alarm ko! (maybe due to excitement! haha!) tapos umalis ako ng one hour before the scheduled time of my duty which is 7AM. Nakalimutan ko na nasa probinsya nga pala ako. haha! ambilis ng byahe. I arrived at the hospital at around 7:20AM. Nag tour ako magisa sa hospital na hindi din naman kalakihan (public hospital kasi hehe) kaya natapos din ako mag tour ng 7:30 AM. haha! kapagod.
When the chief nurse arrived, bigla niyang sinabi na sa EMERGENCY ROOM ako naka duty!! Na-shocked ako! I am soooooo not prepared na ma toxic! haha! Pero wala naman akong nagawa, kaya ayun sumunod lang ako sa Emergency Room at nag duty. Same scenario nung estudyante palang ako.. Intay ng Pasyente.. Tapos biglang matotoxic.. biglang pepetiks.. very very E.R. haha. tapos ayun..
The main problem that I had that I believe will still be the problem that I will encounter for the rest of my stay there in that hospital is the LANGUAGE BARRIER! :( HINDI KO SILA MAINTINDIHAN!!!!! parang chinese pakinggan yung kapampangan. Kaya napakahirap nilang intindihin.. pati mga patients, kapag lumalapit, parang bigla kong gustong mag tumbling kasi hindi ko sila maintindihan! haha! pati mga staff! kailangan ko pa silang sabihan na TAGALOG PO! :) Kung pwede lang akong magsuot ng malaking TAG na "TAGALOG PO AKO, PLEASE LANG" haha para hindi ako mag cartwheel sa kanila. haha. kaya lang hinid pwede kaya wala akong magagawa.
Okay naman mga ugali ng mga tao dun, sa ER may mababait, meron din naman mataray, nakakatakot. Hindi naman maaalis yun. Pag nandyan yung tao na yun, kunwari busy ako. haha defense mechanism ba ito. haha! :)
Okay na sana ang buhay ko sa ER, kahit papano, nakapag adjust na ako. Bigla akong nilipat sa WARD! haha! which is I like naman more than ER, kasi sa ER parang nagiintay ka lang ng patient na isugod bago ka matoxic. Unlike sa Ward, laging busy, laging may ginagawa, especially dun sa ospital na yun.. Dun lang ako nakakita na sa isang station, 3 WARD ang hawak! HUWAW! :) Dun sa ward na nilipatan ko, hawak namin ang Medicine, Surgery pati Transient Ward. Grabe! toxic kung toxic. pero bilib ako dun kasi may trabaho talaga ang Nursing Attendant sa kanila, sila ang nagpapalit ng IV, nag VVS, etc. Imagine that, sa manila, lahat ng yun trabaho ng Nurse. pero dun, hindi. Nursing Attendant ang gumagawa nun (very US di ba? haha) kaya ayun..
Bukas palang ako actually talagang maghahandle ng patient sa Ward, ang shift ko 7AM to 7PM. wow! :) Sana maging OK naman ang lahat, mas mukhang mababait naman ang tao dun sa ward kesa sa ER. haha. at mas mukhang mag eenjoy ako dun.. hehe
Sige, till dito nalang muna. Maglalaba pa ako ng uniform. Bukas second day naman. joke! :)