Hello goodmorning! :) its been a while since nung last na nagpost ako dito.. I think that was the day after my birthday..I think the last time that I wrote a blog dito was the day after my birthday.. anyway.. I am here to tell you guys about the updates in my life (as if anybody cares about whats happening in my life) haha! oh, im sorry, thats my conscience.. haha! :)
Well, ano ba masasabi ko.. hmmm.. Whats on my mind today.. aside from learning how to drive.. haha. eeehhh.. ang pagaaral ko ng masters.. :) I want to pursue Masters.. for what? kasi gusto ko lang? hmm.. kasi I want to be a clinical instructor someday?? hmm.. I really do not know what is the exact reason why I want to pursue masters. Ang alam ko lang, its one way of making a difference.. Imagine, andaming ng registered nurses ngayon, at yung iba swerte kasi they have connections sa mga hospitals that made them easier to get in and have a job as a nurse kahit volunteer lang.. eh papano naman ang mga katulad kong walang kilala sa mga hospitals??! ang hirap makapasok sa hospital para mag work.. grabe.
Kaya one way of making it easier for me, isssss... mag aral ng masters.. kasi naisip ko.. siguro naman kapag may masters na ako.. Jhonvie Anacleto, RN, MAN, hindi na ako mahihirapan maghanap ng trabaho sa medical field.. pero hindi rin natin masasabi hehe.. parang ganun lang kadali mag aral ulit ano.. 2 years din yun.. kaya ko kaya??
Feeling ko naman kaya ko.. oo mahirap pero kung iisipin ko na hindi ko kaya, sino pang magiisip na kaya ko??! hmm.. kung kaya din nung mga ibang RNs na magaral at magtapos ng masters.. kaya ko din.. ako pa.. im sooo good. haha! :) joke lang. nagpapalakas lang ng loob.
One reason din kung bakit gusto kong ipursue ang pagaaral ulit, kasi ang swerte ko sa parents ko.. they are very very supportive about it. Yung ibang tao, kahit gusto nila magaral.. wala naman silang pera to pursue it.. ako meron, papalagpasin ko pa ba???? di ba?
Pero siyempre, in every decisions that we make, merong sacrifices.. kung saka sakaling mag eenrol ako, there are some things that I have to let go.. kung sa tingin kong makakasagabal yung mga bagay na yun.. like my work.. Oo, okay na okay ang sweldo ko sa company ko ngayon.. pero wala naman akong growth dun.. pagpapalit ko ba ang growth sa pera?? what do you think? hmm..
I need to take actions na starting tomorrow. step by step.. kasi kung walang aaction.. walang mangyayari.. sabi nga ni Charles F. Kettering..
" Keep on going, and the chances are that you will stumble on something, perhaps when you are least expecting it. I never heard of anyone ever stumbling on something sitting down."
Oha.. oha.. How do you like that? hehe. Seriously, you have to take actions if you want to achieve something. Something much bigger than what you have now. I am not saying that don't be contented with what you have, pero di ba alam mo naman kung ano talaga bagay that would make you happy and fulfilled.
I know, kahit isacrifice ko man yung work na meron ako ngayon.. madami pa dyang iba na mas maganda pang work na hindi man ganun kalaki ang sweldo pero may satisfaction hindi lang sa bulsa pati sa sarili.. hopefully, related na siya sa medical field. (Lord, please! hehe)
Nakarelate ba kayo? haha! :) ahh basta.. eto ang gumugulo sa isip ko this past few days.. haha. pero determined na ako magaral ulit. I just don't know kung papano uumpisahan.
Lord guide me. Thank you. Tulog na ako. Goodnight :)
No comments:
Post a Comment