Friday, January 28, 2011

Elite Rep of the week! weeee! :))

Date: January 29, 2010
Time: 11:24 AM
Place: House


Yehey! I am the ELITE REP. OF THE WEEK! YEHEY! :) ganito pala yung feeling. Parang wala lang. haha. kasi wala pa naman akong incentive since hindi pa ako regular. haha. daya. ayun, wala lang. nakapost lang yung name ko dun sa wall for one week. haha! pero next week maiiba na. haha. sobrang hirap na pumramis ngayon ng mga payment. ewan ko ba. dati nakaka 40 ako. ngayon.. kahit 25 minsan hindi ko na maabot. Wala na bang pera mga amerikano?? haha


Nanganganib pa na madissolve yung account namen, kasi hindi namen matalo yung genpact. haay. sana wag matuloy. or kung matuloy man, sana wala na ako dun. haha selfish eh noh. joke lang. nakakatakot kasi andami ng naglilipatan sa ibang account. Yung iba umaalis na para humanap ng ibang company. grabe!


Ano kayang kakahinatnan namen. Ako siguro, go with the flow, work pa rin ng work. iintayin ko nalang kung anong mangyayari tutal wala din naman akong balak magtagal dyan sa ganyang job sabi ko nga dun sa previous post ko. Magnunurse pa rin ako. pero habang wala pa. Go nalang muna ako sa pagiging call center agent. kasi malaki sweldo. sayang naman di ba. heheh


At least, mawalan man ng trabaho (wag naman sana) ehh naka pundar na ako ng cellphone at laptop. yun nga lang tatambay nanaman at walang pera. haha. pero matagal pa yun, may trabaho pa naman. infact, may pasok ako mamaya kaya kelangan ko ng matulog. Sige! tutulog nako! thanks for reading!:)


Thank you lord na naging elite rep of the week ako. sana hindi pa ito ung last. :)

Tuesday, January 25, 2011

I'm not hoping, but I am thinking about it..

Date: January 26, 2011
Time: 9:42 AM
Place: My house



I know you're wondering kung ano yung tinutukoy ko sa Title ng blog na 'to. Its the same issue.. being the TOP COLLECTOR! haha. :) I am just soo happy kasi as of January 26, 2011.. ako pa din ang TOP 1 COLLECTOR! :) like what I stated sa title ng blog, I am not hoping pero naiintriga ako kung ano ang feeling ng TOP COLLECTOR even for just one month. Kahit papano, masasabi mo, may nagawa kang history especially na newbie lang ako. Kaya Thank you Lord! :)))


Pero inaamin ko, ginagalingan ko talaga. napepressure ako lalo na kapag umpisa na ng shift. kasi sabi nga ni sup josh, very crucial ang first 3 hours of calling, kasi dito madaming RPC or Right Party Contact na malaki talaga ang chance mo na makatake ng promise or even payco payment, speaking of Payco, isa pang recognition na naabot ko for this month, TOP 5 ako sa Payco collection, yehey! :) kasama ako sa TOUGH 10.. sa paniningil gamit ang payconnexion! yehey! thank you ulit lord! :)


Ayun na nga, as I was saying a while ago, napepressure ako lalo na kapag umpisa ng shift tapos wala pa akong promise tapos yung mga kasama ko meron na, like kanina, first hour of calling, 2 NPT agad! 0 PTP! grabe! buti nalang nakabawi ako nung second and third hour! nakadami din akong payco ngayon, salamat naman! ang sarap ng feeling to end the shift na marami kang naccomplish tapos dayoff pa kinabukasan. saya.


Kaya nga, sinabi ko Im thinking kung ano ba ang feeling ng maging top collector kasi ginagalingan ko kasi gusto ko maranasan.. hehe. Sana kahit isang month lang, okay na sakin yun! hehe. Pero kung hindi naman ibibigay sa aking ni Lord yun, Okay lang din. Basta I did my best para mag stay sa position na yun. malamang hindi lang talaga para sakin. hehe.


Ayun, na share ko lang yung feelings ko tungkol sa pagiging top collector. hehe. babalitaan ko kayo sa next blog ko kung nakuha ko ba yung award by the end of the month. sa friday na yun oh my god! haha :))) sige, thanks for reading! :) sa uulitin! 



Sunday, January 23, 2011

I miss TEAM SIERRA sooo much!


TEAM SIERRA :)

Haay. I miss these people soo much! :)
First day palang, babait na silang lahat sa aming mga newbie. That;s what I like with this team. Walang pressure sa isa't isa. Siguro kasi nung mga panahon na yun, eh wala pa naman talagang ganung pressure sa floor. haay. I miss working without pressure. Dati, papasok lang, ayun masaya, Hi, Hello, Greet dito, Greet doon. Ngayon, pagpasok mo.. pull-up ka na ng mga tools mo. tapos makakarinig ka na ng"LR, 9OCLOCK! LOG IN!"

I understand naman kung bakit nila ginagawa yun, its because we have to beat GENPACT sa roll rates. Pero ang hirap magtrabaho ng may iniisip na GOALS! DPDS! PAYCS! EXTS! MONARCH! IBIZA! ultimo kami kami sa floor nagkakainggitan na.

I dont think na maganda yung ganitong idea. They separate us into two different teams and then with respective ranks, unfortunately, sa ELITE ako napunta. Before excited. pero nung naranasan ko na yung pressure na pagiging elite. ewan ko. parang hindi na ako makapag trabaho ng maayos kasi may iniisip akong ibeat na kalaban sa kabilang team. haay.

Mas maganda pa yung divisions ng team dati, na walang ELITE at CHALLENGERS, lahat pantay pantay. Madaming teams na naglalaban laban. ngayon dalawa nalang. kapag nanalo yung isa, talunan na yung isa. nakakahina ng self-esteem kapag natalo ka.

This is only my opinion lang naman. Wala naman akong magagawa kung ayan yung gusto ng mga boss namen. sabi nga nung sup namen, experiment lang ito. titignan nila kung effective ang kakalabasan. ayun. edi okay. go lang ng go.

Dati, sa team sierra, Nakaka 45 promises to pay ako. Ngayon, ang hirap ng umakyat ng 30. I dont know why. maybe its because of the pressure? haay. siguro din kasi nag aadjust pa ako sa mga bagay bagay.

Kung mababasa man ito ng mga boss ko sa sykes o ng kahit sino sa sykes.. OPINION KO LANG PO ITO. PWEDENG PAREHAS TAYO NG INIISIP OR PWEDE RING HINDI, OKAY LANG. opinion lang po ito. hehe :)

I miss team sierra soo much! mga kulitan sa floor! tuwing lunch! tuwing uwian! tuwing OT! saya. hiwa hiwalay na kami ngayon. ganun talga. haay. Sana ngayong Team Aero na ako. makapag adjust na rin ako sa bagong team mates ko. mukha naman masaya silang kasama.Kailangan pa ng konting rapport. hehe.

Pero masaya ako kasi Team AERO ako, pero ako lang nakakalam kung bakit! haha :)

sige na, tapos na to! thanks for reading! :)



TOP 1 Collector :) as of January 20, 2011 yehey!

Date: January 24, 2011
Time: 4:39 AM
Place: My house 


I know, the month is not yet over.. wala lang, I am just so happy na kahit papano, naging TOP 1 Collector ako based on statistics as of January 20, 2011 :) it only means, kaya ko pala.. ang saya ng feeling pero hindi ko pa ma-share sa ibang tao kasi nga hindi pa tapos yung month so hindi pa siya talaga based on MTD, nevertheless, ang saya pa rin! :)


Pero hindi naman ako nag e-aim na maging top. kasi i know the pressure. I know kung papaano ka tignan ng mga co-workers mo, although yung iba syempre matutuwa for you especially your friends pero yung iba syempre, lets face the fact that you cannot please everybody. Meron at merong tao na they will try to pull you down. most especially sa ganitong klaseng trabaho.


Pero ayoko isipin ang stats kasi baka lumaki lang ulo ko. haha :) I mean, nung pumasok ako ng sykes, hindi ko naman inisip na iachieve ang pagiging top collector. ang gusto ko lang gawin yung trabaho ko. maging call center agent. at bayaran ng maayos ng kumpanya. sumweldo. ganun lang. because i know na hindi naman ito pang permanent na trabaho especially para sa akin. First of all, dahil hindi naman eto in lined with my course. Registered Nurse ako.  Pangalawa, aminin na natin, wala akong nakikitang growth sa pagiging call center agent, except sa financial aspect ah. haha. other than that, wala talaga para sa akin ah. unless nalang kung ma-promote ka sa pagiging TL or OM. which is dapat talaga eh matagal ka na sa company na yun before that happens.


Sabi ko nga dati, kapag napromote ako sa sykes. hindi na ako magiging nurse. pero syempre mahirap magsalita ng tapos. although madali lang talaga ang trabaho. maniningil ka lang. pero hindi mo rin masasabi. Recently lang may TL na akong umalis. Maybe because hindi na siya masaya? I don't know. kasi siya matagal na siya sa company na yun. pero ako, HELLO! 3 months palang ako. wala pang right na mapagod o maburnout! haha :)


Sana lang, until next week mapanindigan ko ang pagiging number 1, gusto ko lang maranasan yung feeling ng ganun. yung may recognition kasi even once, naging top collector ka for that month. ang hirap nga kasi may one week pa. eh number na ako ngayon palang. wala na akong pupuntahan pang iba kung pababa unless mamaintain ko ang stats ko.


Pero bahala na si Lord, I know, he knows whats right para sa akin. Kung hindi ko deserve ang pagiging number 1 dahil sa pagbabalahura ko sa mga customers ko habang naka mute ako. okay lang yun. hehe. ang mahalaga, nagagawa ko ang trabaho ko ng maayos. at pipilitin ko na walang maagrabyadong tao habang ginagawa ko ang best ko para kahit papano umangat.


Thank you Lord sa blessing na binibigay mo sa akin sa trabaho ko na 'to! :) 


--THE END! :) thanks for reading! 

Yehey! Finally, My very own blogsite! :))

Date: January 24, 2011
Time: 3:19 AM
Place: My house :)

Yehey! finally, my very own blogsite! :) eversince, I am looking for a site wherein I could express everything, say what I want to say, murahin kung sino man ang gusto kong murahin.. joke! :) eversince kasi I am a frustrated writer. haha. I really want to become a writer, kaya dati kapag may play, roleplaying sa school, ako yung nagsusulat ng mga kwento with script talaga. hehe. ang sarap kasi mag imagine tapos you would see it in actual.. :) 

Wala lang, naisip ko lang din na maybe somehow makatulong sa iba yung mga sinasabi ko. pero ang gusto ko talaga about writing, eh yung mababalikan mo yung mga sinulat mo kahit matagal nang nangyari yun. tapos mag rereminisce ka.. tapos mapapasmile ka. haha korny! haha pero aminin mo. ganun talga yung pakiramdam nun.

ayun lang. Welcome message ko palang to dito. magiisip pa ako ng topic na gusto kong isulat. hehe.
kung may magbabasa man nitong blog ko. ito message ko sa inyo:

PLEASE REMEMBER NA BLOGSITE KO ITONG PINASOK NIYO. KAYA YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO JUDGE OR WHATSOEVER. MAG REACT LANG KAYO SA SARILI NIYO. KUNG MERON MAN KAYONG HINDI NAGUSTUHAN, SABIHIN NIYO SA AKIN PERO WAG NIYO AKONG I-JUDGE DAHIL FIRST OF ALL, THIS IS A FREE COUNTRY, KAYA NGA TAYO MERONG DEMOCRACY NA TINATAWAG. LET'S RESPECT EACH OTHERS OPINION. PARA WALANG GULO. SA MGA NATUTUWA NAMAN, MARAMING SALAMAT PO.

Yun lang naman po. Thanks! :) 
from Jhonvie S. Anacleto, RN

Followers

Powered By Blogger